Dengarkan lagu Hebishram nyanyian Gloc 9 dengan lirik

Hebishram

Gloc 9, Bishnu, Bishnu Paneru, Ramdiss23 Sep 2022

Lirik Hebishram

Ako'y nalilito

Naririnig mo ba

Ang sarili kong

Nagsasalita

Wala namang nag-uusap

Pero bakit may bumubulong

Wala namang nagtutulak

Bakit umiikot ang gulong

Sa'n ba to papunta

Sigurado ba ang ruta

Gusto ko na kasing makalayo

At makalabas sa kuta

Ayoko ng mapako sa tapos na

Hindi ko hinayaan na malampa

Lalo nung panahon na ako ay nabaon

At wala rin nagtanong sakin ng kamusta

Alam ko sa sarili kong mahirap

Hirangin na ginto o isang pilak

Marami ang pintong di mahagilap

Dahil ang susi ay pagsusumikap

Kinalagan ko ang sarili sa kadena

Kinalumutan ko na muna mga nega

Di na pwede tatamad tamad at satsat lamang ng satsat

Walang mangyayari kung puro dakdak

Di ko 'to ginagawa para sa pera

Sapat na sakin na may makinig

At maka-inspira sa pamamagitan ng aral

Mula sa alalay

Ginawa ko lahat hanggang sa napakita

Ko sa mga tao na hindi to madali

Baka lang manalo ko sa mga talo

Na pinagdaanan para lang kumita

Basta ginawa ko lang ang gusto

Tignan mo naman kung san ako nakarating

Dami kong sakit na mga nilampasan

Bakit kamo Para gumaling

Kahit pa na malaliman nagawa kong huminga

Para ang kumita nawalan ng pahinga

Baka marating din ang gustong marating

Dumating ang mga pinadalang panalangin ko sa langit uh

Kung di pa dumating baka natraffic pa

Madadapa ka talaga sa mga pagkakataong

Hindi ka sigurado

Kung sumabit ka o gumamit ka

Minsan kako parang

May bumubulong sa hangin

Na hindi ko maintindihan

Ang sinasabi sakin

Oh ano ba talaga ko

Katas ng nagawa ko

Ang magpapakilala

Kung sino ko bilang tao

Ang mga luha pawis at dugo

Kasama ng mga tulang binuo

At ang mga mensaheng hindi mabukong

Nakatago sa loob ng aking bungo

Kalakip ang panang gulo at pagkatao

Iilan lang yan sa mga tinaya

Ko sa laro na hindi mo makabisado

Kung kelan ka dadampian ng panalo

Pintuang sarado na may matibay na kandado

Ang tatambad sa harapan ng muka mo

O nasan ang susi hinanap ang kaso

Natagpuan ko ay barang malamaso

Kaya kahit na di pinahintulutan

Binakbak walang hintuan

Kalimutan kapalarang kapikunan kalingunan ko sa bintana

Ay mga kabiguan at ang buwan na gusto kong bigwasan kapagkabilugan

Ginagawa ko to dahil sa gusto ko

Di lang dahil uso ito ay sinasapuso ko

Dugo ng makata dumadaloy dito sa pulso

Ko kaya malalim pag tumarak mga pinupunto ko

Maging inspirasyon sa lahat ang pinaka gusto ko

Katulad ng mga sinusundaan at iniidolo

Tatatak sa bungo nyo ang iiwan kong liriko

Di ako magreretiro dito ng wala kong titulo

Ako'y nalilito

Naririnig mo ba

Ang sarili kong

Nagsasalita

Wala namang nag-uusap

Pero bakit may bumubulong

Wala namang nagtutulak

Bakit umiikot ang gulong

Naririnig ko ang aking sarili

Sayo na para bang kabiyak ng kabibe

Di na bale kung wala kang pera panalangin ang dala basta wag ka lang sumuko

Pagkakamali ang makakapagturo

Kung saan karanasan lang makakahalubilo mo

Na pwede mong tawaging mga guro

Kapag nadapa natural lang masugatan talaga

Na mayron tayong mabigat na mga laban

Kung sakalaing harapin mo kapag nanalamin

Sinasabi lang sayo kailangan mong magpagaling

Uh

Kainamo pano ko pa to matitigilan

Kung tagumpay na mismo

Ang napili kong katitigan

Mata sa mata nag uusap kame ng masinsinan

Ako ang dyamanteng bagay sa kanyang pala singsingan

Madalas man kame mag ka iringan ng kagipitan

Kalimitan mas pinipili ko paring masinpangan

Ang pangarap na inaasam asam ng karamihan

Sa huli pag ka wagi lang ang gusto makahalikan

Raragasa na merong tanging dala

Baon sa bawat bakit nila

Pain ko na sa mga pangmamata

Kinagat nila dahil sa pananamantala

Pero di na ko dapat magalala

Binagahe ko na ng di na makaisa

Itinuring ko nalang na pagkadapa

Alalang dala habang tumatanda

Hingang malalim pag nadapa

Bangon at kunin ang napala

Paulit ulit hanggang sa gumuhit

Sa utak nila ang yong nagawa

Kung di tumama ge isa pa

Kung di nakuha may iba pa

Wag mo sukuan sagaran sukdulan

Hanggang makapuga sa ibaba

Pa-unahan sa linya ng nakapila

Para lang maipakita

Sinagad ko hanggang sa huli na rima

Na walang daplis sa kada tira

Sasalampakan hanggang tumama

Bakasali na makatyamba

Sinubukan at di ko inaakalang

Susi ay kwarenta'y kwatrong bara

Dami kasing bagsak katawan

Sa mga dumaang pagsubok

Kaya dumating narin yung ilang gabi ko

Na pagtikim walang usok

Tila binalik yung dati kong tutok

Kahit nilamig hindi na nagkumot

Kahit matahin men sulat ka parin

Kasi alam mong binasa ka pag may lukot

Hmm

Na balang araw ikekwento ko sa magiging anak ko at magigingapo

Na hindi madali makipagsapalaran sa kapalaran depende sayo

At hindi ubra kung palagi nalang iaasa sa dyos kung anonggusto mo

Dapat kumilos yan ang totoo di lahat ay isusubo sayo

 

Aaaah