Sa Piling Mo Lyrics
Sa Piling Mo (与你同在) - Silent Sanctuary
Written by:Sarkie Sarangay
'Wag madismaya
Sugal ang buhay
Kasama 'yan sa paglalakbay
Matututo ka ba kung 'di nagkamali
Alam mo ang sagot 'di ba hindi
Mga bagay na bagong haharapin
Kailangan pang hawakan at gawin
Ngunit kahit ano pa man ang dumating
Nandito na ako
At dadamay sa'yo
Mula ngayon
'Di ka na mag iisa
'Wag matakot mawala
Sasamahan ka hanggang langit
At 'di bibitaw
Sa piling mo
Sa piling mo
Kung nais lumipad
'Di babawalan
Hindi magdaramdam hihintayin ka lang
Kapag inaapi 'wag nang lumaban
Akong mauuna't baka ka masaktan
Mga bagay na ating haharapin
Dal'wa tayo sabay natin lulutasin
Kaya kahit anung unos pang darating
'Wag nang mangamba aalalayan kita
Mula ngayon 'di ka na mag iisa
'Wag matakot mawala
Sasamahan ka hanggang langit
At 'di bibitaw sa piling mo
Umuwi ka lang sa akin
Lungkot at galit pahupain
Umuwi ka lang sa akin
Lungkot at galit pahupain
Sa aking piling
Mula ngayon 'di ka na mag iisa
'Wag matakot mawala
Sasamahan ka hanggang langit at 'di bibitaw
Mula ngayon kahit pa lumuha ka
Mawalan nang pag asa
Alam mo sa'n ako hahanapin at laging nandyan
Sa piling mo
Sa piling mo oh oh
Sa piling mo