Hindi Maiiwanan Lyrics
Hindi Maiiwanan - Imelda Papin
Lyrics by:Alex Catedrilla
Composed by:Alex Catedrilla
Di sukat akalain
Na mangyari ito
Na mayrong tututol
Sa nabuong pagsuyo
Di pa ba malaya
Ang puso kong ito
Pag-ibig na kailanmang
Pinupuna't ginugulo
Pabayaan na sana
Ang aking damdamin
Kung anong itinibok
Siyang dapat na sundin
Sa bawat ngiti ko
Mararamdaman niyo rin
Na ako'y maligaya
Sa kanyang piling
Hinding-hindi
Ko siya maiiwanan
Naturuan na ang puso ko ng
Tapat niyang pagmamahal
Sa harap ng madla
Sa mata ng Maykapal
Siya ang palad
Ko siya ang mahal
Pabayaan na sana
Ang aking damdamin
Kung anong itinibok
Siyang dapat na sundin
Sa bawat ngiti ko
Mararamdaman niyo rin
Na ako'y maligaya
Sa kanyang piling
Hinding-hindi
Ko siya maiiwanan
Naturuan na ang puso ko
Ng tapat niyang pagmamahal
Sa harap ng madla
Sa mata ng Maykapal
Siya ang palad
Ko siya ang mahal
Hinding-hindi
Ko siya maiiwanan
Naturuan na ang puso
Ko ng tapat
Niyang pagmamahal
Sa harap ng madla
Sa mata ng Maykapal
Siya ang palad ko siya
Oh siya ang mahal