Wala Na Talaga 歌詞
Wala Na Talaga - Parokya Ni Edgar
Lyrics by:Chito Miranda
Composed by:Chito Miranda
Produced by:Chito Miranda/Andrew Panaligan
Minsan parang wala nang dahilan
Tila nagpapanggap na lamang
Ayoko man aminin sa iyo
Pero nagsawa na yata ako
Wala naman tayong problema
Ngunit parang hindi na tayo masaya
At kung papipiliin lang ako
Parang gusto ko na lang huminto
Ayaw naman kitang lokohin
Magkunwaring sa puso
Ko'y ikaw pa rin
Mayro'n tayong
Nakaraang pinagsamahan
At ayaw na kitang masaktan
Kailangan mong malaman
Ang katotohanan
Kundi pareho lang
Tayong mahihirapan
Hindi na 'ko kinikilig
Kapag ika'y dumarating
Hindi na 'ko natataranta
Kahit galit ka sa akin
Hindi na 'ko nakikinig
Kapag ika'y nagsasalita
Wala na 'kong maramdaman
Wala na talaga
Huwag mong isipin na
Mayro'ng iba
Hindi 'yun ang rason
Kung ba't ayaw ko na
Hindi ko din lubusang maintindihan
Basta't alam ko na
May dahilan
'Pagkat nahihirapan
Na ang puso ko
Para kong nakakulong
Sa loob ng mundo mo
Huwag mo nang tanungin
Kung kailan nagsimula
'Di ko din alam kung
Kailan nawala
Huwag mo sanang iisiping
May mali kang nagawa
Pareho lang tayong
Walang pagkakasala
Hindi ko rin naman 'to sinadya
Mas mabuti nang hindi
Na magtagal
Sapagkat 'di na kita mahal
Hindi na 'ko kinikilig
Kapag ika'y dumarating
Hindi na 'ko natataranta
Kahit galit ka sa akin
Hindi na 'ko nakikinig
Kapag ika'y nagsasalita
Wala na 'kong maramdaman
Wala na talaga
Hindi na 'ko kinikilig
Kapag ika'y dumarating
Hindi na 'ko natataranta
Kahit galit ka sa akin
Hindi na 'ko nakikinig
Kapag ika'y nagsasalita
Wala na 'kong maramdaman
Wala na talaga
Wala na talaga
Wala na talaga