收聽Siakol的Aso歌詞歌曲

Aso

Siakol2005年6月18日

Aso 歌詞

Aso - Siakol

Written by:Manuel Palomo

Ako'y may alaga asong mataba

 

Buntot ay mahaba makinis ang mukha

Mahal niya ako mahal ko rin sya

Kaya kaming dalawa ay laging magkasama

 

Kung ako ay aalis siya'y sumusunod

Sa aking pagbabalik pamawi ng pagod

Mahal niya ako mahal ko rin sya

 

Hindi lang sya alaga kaibigan ko pa

 

Kahit hayop ay dapat ring mahalin

Lalo't maamo at masunurin

 

Sila'y alagaan at wag pababayaan

Tao at hayop may unawaan

 

Sa aking pag iisa aso ko ang kasama

Sa aking pagtulog katabi ko sa kama

Mahal niya ako mahal ko rin sya

Pag lalambing niya aking damang dama

 

Pag siya'y binabato aking pinagtatanggol

Pag ako'y inaaway kanyang tinatahol

Mahal niya ako mahal ko rin sya

Kaibigan tunay sa hirap at ginhawa

 

Kahit hayop at dapat ding mahalin

Lalo't maamo at masunurin

 

Ngunit minsan ay di mo rin akalain

Ang pangyayari ay nagbabago rin

 

Kahol sya ng kahol ang aso ko'y nauulol

Laking gulat ko pati ako ay hinabol

Mahal niya ako mahal ko rin sya

Kaya ganon nalang ang aking pagtataka

 

Ako'y may alaga asong mataba

Bunto't ay mahaba makinis ang mukha

Kinagat niya ako kinagat ko rin sya

 

Ang kawawa kong alaga pulutan ko na