Lirik Nasalisihan
Nasalisihan - Yoyoy Villame
Noong ako ay paaalis
At iyong inihatid doon sa airport
Pinabaunan mo ako
Ng malalamig na halik o napakalungkot
Hindi ako nakatiis
Lumuha na lang ako
At tumalikod
Pagka't aking naramdaman
Pag ibig ko sa iyo'y sinusulot
Nang ako'y sumakay na sa eroplanong kay ganda
Ika'y tuwang tuwa
Pagka't masusunod muna
Ang lahat ng layaw mo'y malayang magagawa
Sa may bintana ng airplane
Buma ba bye ka sa akin ay aking nakita
Na ka akbay akbay muna ang iyong
Bagong sinisinta
Lumuha ako'y lumuha
Pagka't wala na
Akong magagawa
Lumuha ako'y lumuha
Pagka't wala na
Akong magagawa
Nang ako'y naruon na
Sa distino kong bansa
Pag asa'y nagdilim
Nang bigla kong natanggap
Ang sulat ng ating anak na panganay natin
At ang sabi niya'y itay
Madalas kami ngayong 'di kumakain
Pagka't ang nanay ko itay
Ay hindi na umuuwi sa atin
Lumuha ako'y lumuha
Pagka't wala na
Akong magagawa
Lumuha ako'y lumuha
Pagka't wala na
Akong magagawa