Dengarkan Ikaw At Ako lagu dari Johnoy Danao dengan lirik

Ikaw At Ako

Johnoy Danao1 Sep 2016

Lirik Ikaw At Ako

Ikaw At Ako - Johnoy Danao

Written by:Johnoy Danao

Ikaw at ako pinagtagpo

 

Nag usap ang ating puso

 

Nagkasundong magsama habangbuhay

 

Nagsumpaan sa Maykapal

 

Walang iwanan tag init o tag ulan

 

Haharapin bawat unos na mag daan

 

Sana'y di magmaliw ang pagtingin

 

Kaydaling sabihin kayhirap gawin

 

Sa mundong walang katiyakan

 

Sabay natin gawing kahapon ang bukas

 

Ikaw at ako pinag isa

 

Tayong dalwa may kanya kanya

 

Sa isa't isa tayo ay sumasandal

 

Bawat hangad kayang abutin

 

Sa pangamba'y di paaalipin

 

Basta't ikaw ako

Tayo magpakailanman

 

Kung minsan ay di ko nababanggit

 

Pag ibig ko'y di masukat

Ng anumang lambing

At kung magkamali akong ika'y saktan

 

Puso mo ba'y handang magpatawad

 

Di ko alam ang gagawin kung mawala ka

 

Buhay ko'y may kahulugan

Tuwing ako'y iyong hagkan

Umabot man sating huling hantungan

 

Kapit puso kitang hahayaan

 

Ngayon at kailanman

 

 

Ikaw at ako